ka•íng 1: mala-king basket na maluwag ang lála at pinaglalagyan ng niyog, mais, at iba pang ani 2: ang paraan ng pagbagsak ng payat
ka•i•ngín 1: gilid ng bundok na hinawan, sinúnog, at nilinis upang mapag-tamnan 2: bukid mula sa gayong paghawan at pagsunog
ka•i•sa•hán 1: pagkakaisa 2: ugnayan ng mga bahagi at elemento ng isang akda na bumubuo ng pagkakasundong kabuuan, at nag-iiwan ng iisang pangkalahatang bisà 3: alin-man sa tatlong kaisahan sang-ayon kay Aristotle, gaya ng kaisahan sa panahon, tagpuan, at takbo ng kuwento
ka•ít 1: pagtanggi na magbigay ng anumang bagay o tulong sa iba 2: paglilihim ng anumang bagay na makatutulong o magagamit ng iba 3: kawil o kawit na inilalagay sa tali para manghuli ng mga isdang malaki 4: pagsulat nang maba-gal
ka•i•ta•á•san 1: taluktok o pinakaitaas na bahagi 2: ang nása napakataas na panig, gaya ng langit, himpapawid, kalawakan