ká•kas 1: pagkatanggal ng bahagi ng anumang bagay sa pagli-pas ng panahon 2: pagga-mit ng liha o pagkaskas 3: palamuti sa bangka
ka•káw 1: punongkahoy (Theobroma cacao) na tumataas nang 5 m at nagiging sangkap ang butó ng bunga sa paggawâ ng kokwa at tsokolate 2: tawag sa bunga o butó ng punòng ito
ka•ke•mó•no : larawang pandekorasyon na pahabâ ang por-ma, hindi nakakuwadro, karani-wang gawâ sa papel o sutla, may disenyong pintura, ikinakabit sa rodilyo, at isinasabit sa dingding
ká•ki 1: paglalaro ng paa na parang kumokompás o isinasa-bay sa tugtog 2: tela para sa unipormeng militar 3: unipormeng gawâ sa telang ito 4: persimmon