ka•la•bà : mapuputîng bátik sa bílog ng matá na nakapagdu-dulot ng panlalabò ng paningin at pagkabulag
ka•la•bá•nga : halámang kahawig ng lotus, nakakain ang butó, maganda ang bulaklak, at karaniwang lumalago sa lawa ng Laguna
ka•la•bá•sa 1: halámang baging (genus Cucurbita), malapad ang dahon, at nakakain ang bunga 2: bunga ng halámang ito 3: bagsák4
ka•la•báw 1: hayop (Bubalus bubalis) na pantrabaho, karaniwang itim, may sungay at buntot, tumataas nang 1.68 m, at humahabà nang 2.74 m 2: sa Filipinas, hayop na pambansang sagisag
ka•la•bít 1: pagsalíng nang ba-hagya sa pamamagitan ng daliri, karaniwan ng hintuturo, sa sinu-mang ibig tawagin ang pansin 2: pagtugtog sa bagting ng gitara 3: pagpisil sa gatilyo ng baril 4: pag-umpisa ng pagliit o paglubog ng buwang gasuklay