ka•la•bú•kab 1: uri ng ahas (order Ophidia) na walang kamandag at naninirahan sa tubig 2: tunog na likha ng paggalaw ng ahas o isda sa tubig, o anumang katulad nitó 3: alinlangan1,2 o pag-aalinlangan
ka•la•bú•sab 1: ingay ng isdang tumalon sa tubig 2: laguklok o bulbok ng likido kapag ibinubu-hos mula sa makitid na leeg ng bote
ka•la•bú•saw 1: mabilis at hindi kontroladong pagkampay ng bisig at pagpadyak ng sinumang nag-aaral lumangoy 2: tunog ng nila-busaw na tubig
ka•lad•kád 1: marahas, buong lakas, at naghihirap na paghila o pagbatak sa tao, hayop, o bagay 2: bagay na hinihila o binabatak 3: paraan ng pagkuha ng tulya o susô sa pamamagitan ng pagkalaykay sa ilalim ng tubigan 4: sa pangingisda, lambat na panghalukay
ka•lá•do 1: disenyong ornamental na binubuo ng inayos na mga bútas sa kahoy, metal, bató, at iba pa 2: tela na may katulad na disenyo