ka•sang•gu•nì : tao na sinasangguni o hinirang upang sangguniin sa pagbibigay ng kaala-man, paglutas ng problema, o pagpapayo
ka•sang•ká•pan 1: anumang gamit na hinahawakan upang tapusin o tupdin ang isang tungkulin 2: mga bagay na ginagamit sa tahanan, tanggapan, at iba pang establisimyento 3: anuman o sinumang nagagamit 4: isang software na tumutupad sa isang partikular na tungkulin, kara-niwang lumilikha o bumabago ng ibang program
ka•sa•ri•án 1: pag-uuri sa mga salita alinsunod sa binabagayan ng sex o ang kawalan nitó 2: katangi-an o kalagayan ng pagiging babae o laláki
ka•sa•ri•áng pam•ba•bá•e : kasa-riang kinabibilangan ng mga sali-tâng tumutukoy sa babae o sa mga bagay na itinuturing na babae
ka•sa•ri•áng pan•la•lá•ki : kasa-riang kinabibilangan ng mga sali-tâng tumutukoy sa laláki o sa mga bagay na itinuturing na laláki
ka•sa•rin•lán : kakayahang mabúhay mag-isa ng isang kapisanan, lipunan, o bansa, karaniwan dahil may malayang pamahalaan, sariling kabuhayan, at hindi nakapailalim sa ibang kapisa-nan, lipunan, o bansa