la•bót : nakortang gatas mula sa tiyan ng guya, nagtataglay ng rennin at ginagamit sa paggawâ ng keso
lá•bot 1: iwalay sa ina ang batàng sumusúso 2: awatin sa anumang gawain 3: piliting kunin ang isang bagay na hawak.
lá•boy 1: bahagi ng katawan na malambot at luyloy 2: tao na lagalag 3: hayop na hinaya-ang gumalà o kumain kahit saan 4: pag•lá•boy paglalakad nang wa-lang layon o tatamad-tamad 5: pútik.
lab•sâ 1: kalagayan ng isda kung nagsisimulang mabulok 2: kalagayan ng bunga kung labis ang pagkahinog
lab•sák 1: labis na kalambutan ng isang bagay, lalo na kung prutas o halámang-ugat 2: kálat 3: pagkaipon ng mga bagay na marumi.