lá•bu•lá•bo : labanán sa kalye ng mga miyembro ng dalawa o mahigit na barkada, o katulad na malaking pangkat, hal labulabo ng dalawang fraternity o labulabo ng dalawang barkada sa bilangguan
la•bu•sáw 1: lumabòng likido dahil nalagyan ng putik o ibang sangkap, o kayâ’y ginalaw ng tao, hayop, o ibang puwersa 2: mapagmalabis at walang pagpipigil.
la•bu•yò 1: ilahas na manok (Gallus gallus) na maliit ang katawan, pulá ang balahibo, at mahabà ang buntot 2: siling pulá na maanghang.