-
lab•láb
png1:2:[Bik Tag] paraan ng pagkain na nagmamadalî at hindi na nginunguya ang kinakain3:[ST] pag-iihaw ng isda bago lutuin4:[Kap] liyáb5:[Ilk] halagap ng asukal hábang iniluluto6:[Iva] húgas1 o paghuhugas.-
lab•láb•ba
png | [ Bon ]:maliit na labba o lowa.-
lab•náw
png1:kalagayan ng likido kapag labis sa tubig2:pagiging manipis at madalîng dumaloy ng likidoláb•naw
png | Bot | [ Hil ]:hindi tuyông butil ng mais o palay.lab•nî
png | Bot1:ilahas na punongkahoy (genus Ficus) na igos2:[Kap] uri ng yantok-
lab•nít
png1:[ST] yantok na may tamis asim na lasa ang bunga2:pagkatuklap ng balát dahil sa init.lab•nít
pnd:batakin ang anumang bagay dahil sa gálit o katuwaan.láb•nit
png | Bot | [ ST ]:balát ng kawayan na ginagamit na pantali-
lab•nóg
png:kalabuan ng tubig.lab•nós
pnd | [ ST ]1:magbakbak ng balát ng hayop2:marahas na pitasin o hablutin ang dahon ng haláman3:mabilis na magbúnot ng patalim; dagling búnotlab•nót
pnd | [ Bik Pan Seb Tag ]:manghablot o hablutinla•bó
png:kalagayan ng anumang buhaghag at madalîng madurogla•bò
png1:likido na nalabusaw2:anumang bagay na mahirap maunawaan3:pagiging malamlam o pagiging madilim, karaniwan ng liwanag4:pagdilim ng paningin5:mahinàng pagkakaintindi sa isang bagay; hindi makarinig nang maayos6:hindi malinaw na pagbigkas ng salita-
lá•bo
png1:[ST] paghahalo-halo at maingay na pagsasáma-sáma ng mga tao kapag sila ay magulo o nagkakatuwaan, karaniwang ginagamit sa anyong inuulit2:away ng tatlo o higit pang tao o panig na laban sa isa’t isa; laban na walang kampihan3:uri ng saging