lettering (lé•te•ríng) 1: paraan o proseso ng paggawâ ng titik sa pamamagitan ng pagsulat, paglilimbag, o pag-ukit 2: mga titik na isinulat, inilimbag, o iniukit
letter of credit (lé•ter ov kré•dit) : sulat ng pahintulot ng bangko na makakuha ng tiyak na halaga sa nasabing bangko o sa mga sangay nitó
leucine (lú•sin) : amino acid na putî, kristalina, at natutunaw sa tubig (CH3)2CHCH2CH(NH2)-COOH, at mahalaga sa nutrisyon ng tao
leucocyte (lú•ko•sáyt) : selula na walang kulay, katulad ng amoeba, nása dugo, lymph, at iba pa, at may nukleo na mahalaga sa paglaban sa sakít
leukemia (lu•kém•ya) : alinman sa mga pangkat ng sakít na mapanganib o nakamamatay dahil sa produksiyon ng labis na putîng selula ng dugo, at karani-wang sinasabayan ng malubhang anemia, paglaki ng palî at lymphatic gland