Lé•pi•dóp•te•rá : order ng kulisap na kinabibilangan ng paruparo, gamugamo, at iba pa, may apat na pakpak na karaniwang may matingkad na kulay, at naba-balutan ng pinong búlo
lép•ton 1: batayang yunit ng pananalapi ng Greece na may halagang 1/100 ng isang drachma 2: particle sa loob ng atom, tulad ng elektron, na hindi bahagi ng malakas na inter-aksiyon
leptospirosis (lep•tós•pay•ró•sis) : sakít ng áso at iba pang mammal na nakahahawa at sanhi ng bakterya.
lese majesty (leyz má•dyes•tí) 1: pagiging taksil o traydor 2: insulto sa pinakamakapangyari-hang pinunò 3: gawaing pangahas