lí•ban 1: ligtâ o pagkaligta 2: pagpapaibang araw o oras ng pagsasakatuparan ng isang gawain o balak 3: hindi pagpasok sa opisina, paaralan, at katulad na regular na tungkulin
li•báng 1: aliw na gi-nagawâ upang mapahinga ang isip at katawan mula sa matagal na pagtatrabaho 2: alò1 3: lingat1,2
li•bá•ngan 1: pook para sa paglilibang gaya ng parke, teatro, museo, zoo, at iba pa 2: bagay o gawaing nagdudulot ng libang
lí•ban sa : nanganga-hulugang hindi kasáma o hiwalay at ginagamit bago ang pangalan ng isang pook, bagay, at iba pa
lí•bar 1: paggawâ ng isang bagay nang may pagpupumilit na maging masayá katulad ng pagba-bayad ng utang 2: paglalakad mula rito patúngo doon para isakatu-paran ang isang gawain
li•bás : punongkahoy (Spondias pinnata) na mahabà ang dahon, maliit ang bulaklak, at bilóg ang bungang may isang butó, katutubò sa Filipinas
li•bá•wa 1: pagtanggap sa isang hindi inaasahan 2: biglang pagsalakay, hal hal ng áso sa tupa o ng pusa sa daga