li•bís 1: makitid na kapatagang nása gilid at ibabâ ng isang bundok at iba pang mataas na lupa 2: lambak1 3: anumang higit na mababà kaysa katabi.
lib•líb 1: nása dako o pook na hindi gaanong batid o na-raratíng ng tao; malayòng pook 2: mabigat o pinabigat ang unahan kayâ tíla nakasubosob lalo’t sasakyang may dalawang gulóng, karaniwang tumutukoy sa kariton o karitela na hinihila ng kabayo o kalabaw.
lí•bon-li•bon 1: pagsasalita ng mga walang katuturang bagay 2: pagbabalik kung saan nagmulâ, sinasabi rin sa tao na paikot-ikot magsalita