lá•gis : isa sa mga tinilad na kawayang ikinakabit nang pahalang sa bakod upang hindi mabuwal ang patayông mga tulos.
la•gis•lís 1: malakas na tunog ng bagay o tangkay na bumagsak mula sa itaas ng punongkahoy at tumama sa mga sanga 2: tunog ng malakas na ulan lalo na kung may hangin 3: isang uri ng halaman.
lá•git 1: hasà1 2: dumi na dumikit sa gilid ng plor 3: mga munting bagay na lumulutang sa ibabaw ng tubig.
lag•kít 1: katangian ng isang bagay na dumikit agad sa ibang bagay 2: pagiging mapanghalina ng isang sulyap, tingin, o titig 3: kalinawan ng bigkas sa isang salita o pangu-ngusap na nakaaakit sa nakikinig.