lo•ób 1: bahagi o ra-baw ng isang bagay na hindi nakikí-ta 2: taimtim na pasiya o pagkukusa, gaya sa “kalooban” at “kusang-loob” 3: dalisay at taal na diwa ng pagkatao.
lo•ó•ban 1: lupang may tanim na haláman at punong-kahoy na karaniwang nababakuran 2: lupang katabi o nása paligid ng mga bahay o anumang gusali na pa-wang nababakuran 3: kabahayan sa likod ng mga bahay sa tabíng kalsada.
loofah (lú•fa) 1: halámang baging (Luffa cylindria) na kahawig ng patola at nakakain ang bunga 2: pinatuyô at mabunót na bunga nitó na ginagamit na espongha
ló•ok : tubigan na hindi ganap na napalili-giran ng lupa at may bungad na pinapasukan o nilalabasan ng tubig búhat sa kanugnog na karagatan
loophole (lúp•howl) 1: bútas na maliit, hal hal sa dingding o pader at karaniwang ginagamit na silipán 2: paraan ng pag-iwas; bútas o lusútan 3: bútas upang mailigtas sa pagkakabilanggo ang akusado.