- loot (lut)png | [ Ing ]1:kalakal, yaman, o salaping nadambong sa digma2:mga katulad na kinuha sa pamama-gitan ng dahas3:ilegal na yaman.
- ló•oy-ló•oy na da•kôpng | Bot | [ Bik ]:uri ng dapò (Grammatophyllum scriptum) na may malalaki at maugat na tangkay, malaki ang bulaklak na kulay mapusyaw na lungtian o dilaw, katutubò sa Filipinas, bukod sa G. scriptum, isa pang katutubong espesye sa Filipinas ang G. speciossum na tinaguriang “Reyna ng Orkidya ng Filipinas” dahil isa sa pinakamalaking orkidya na may tíla garing na putîng bulaklak.
- ló•pispng | Mus | [ Bon ]:ikalawang yug-to sa seremonya ng kasal.
- Lord’s Prayer (lords pré•yer)png | [ Ing ]:Ama Namin.
- lore (lor)png | [ Ing ]:lawas ng mga tradisyon at kaalaman sa isang pak-sa o pinanghahawakan ng isang ti-yak na pangkat.
- Lorelei (ló•re•láy)png | [ Ing ]1:bató sa kanang pampang ng Rhine2:sirena na pinaniniwalaang na-katirá sa batóng ito na may naka-hahalinang awit upang pinsalain ang mga mandaragat.
- lorgnette (lor•nyét)png | [ Ing ]:pares ng salamin sa matá o salamin sa opera na may mahabàng tatangnan.
- ló•ropng | Zoo | [ Esp ]1:uri ng ibon (family Psittacidae genus Tanygnathus), kalimitang kulay lungti ang balahibo at may tukâng kulay pulá bagaman ang iba ay may halòng kulay asul at may kakayahang gayahin ang pagsasalita ng tao2:tao na walang orihinalidad
- ló•rong in•tsíkpng | Zoo:ibon (Eurytomus orientalis) na mahilig mang-húli ng lumilipad na kulisap, ka-pansin-pansin ang kulay dalandang tukâ, at may madilim na balahibo na may mga patseng bughaw sa pakpak
- lorry (ló•ri)png | Ntk | [ Ing ]:sasakyang pantubig, malaki at mabigat, na gi-nagamit sa pagdadalá ng mga kala-kal.
- lór•yatpng | [ Ing Tsi lauriat ]:masaga-nang handaang binubuo ng mara-ming putahe o lútong Tsino