los•yón 1: likido, karaniwang alkoholikong preparas-yon, na ginagamit na pamahid sa balát upang maalis ang pangangatí, impeksiyon, at iba pa 2: kosmetikong likido na pampakinis ng balát, karaniwan para sa mukha o kamay
lo•te•rí•ya 1: paraan ng pangangalap ng salapi sa pama-magitan ng mga tiket na may mga numero at pagbibigay ng premyo sa sinumang mabunot 2: proseso, proyekto, at iba pa na nakasalalay sa pagkakata-on o kapalaran ang tagumpay
ló•tus 1: halámang nagkapagdudulot sa sinumang kumain ng matinding kasiyahan at katahimikan, at nakapagpapalimot 2: a halámang lily (genus Nelumbo) na may pink at malalaking bulaklak b ang bulaklak na ito bílang simbolo sa Budhismo at Hinduismo
loud speaker (lawd is•pí•ker) : kasangkapang ginagamit upang marinig nang malakas ang salita, tugtog, o talumpati sa buong bulwagan, silid, at iba pang tulad nitó.