lu•pa•gî 1: nakaupô nang nakasalampak sa sahig 2: naubos ang kabuhayan; nabigo sa pangangalakal o labanan
lu•pá•gi 1: pag-upo sa sahig nang walang sapin 2: pagiging tamad o mahinà at walang ginagawâ kundi maupô at tumingin sa kawalan
lu•pák 1: magbayó ng palay upang maihiwalay ang ipa sa bigas 2: mag-alis ng upak ng halámang gaya ng tubó
lu•páy•pay 1: labis na panghihinà dahil sa kawalan ng pag-asa 2: paglungayngay ng mga bisig o ng pakpak kung mga ibon, dahil sa labis na págod