lu•pít 1: marahas na paggamit ng lakas o kapangyarihan 2: asal na hindi marunong magpakun-dangan o magpatawad sa kapuwa; bangis ng pag-uugali
lup•lóp : pagluhod na nakadiin ang mga kamay sa sahig o sa lapag na kinaluluhuran, at nakasayad ang ulo sa mga tuhod
lu•pò : isdang-alat (Synanceia horrida) na malaki ang bibig, matinik ang katawan, at karaniwang humahabà nang 25-65 sm
lu•pô : seremonya ng sumpa, nagsusunog ng damong mula sa bubong kasáma ng tingga, itlog, at abo at sakâ sinasabayan ng pagsasabi ng sanlibong múra