lu•nó 1: maghunos ng balát, gaya ng ilang kulisap at ahas 2: magparaan ng taglamig sa pamamagitan ng pagtulog; matulog sa panahon ng taglamig
lu•nók 1: pagdaraan sa lalamunan patungong tiyan ng anumang bagay 2: pagpapau-manhin o pagtanggap sa kalooban ng pangit na pangyayari o salita
lú•noy 1: lumakad sa tubigán nang hindi naghuhubad ng damit 2: dumaan sa makipot na bahagi ng isang ilog
lun•sád 1: a pagdaong ng sasakyang-dagat b pagbabâ o pag-ahon búhat sa sasakyan c pagdedes-karga ng anumang lulan 2: pagpa-pakilála o pagsisimula ng isang proyekto
lun•sá•ran : pook o bagay na ginagamit para simulan ang isang gawain o paliparin ang isang sasakyang panghimpapawid