lus•lós 1: sakít na may kinaláman sa abnormal na paglaw-law ng bayag o paglabas ng matris sa puwerta; paglabas ng usos sa bútas 2: pagbabâ ng lubid o ang pag-babâ sa bangin
lu•sóg 1: kondisyon ng katawan kapag malakas at walang pinsala at karamdaman 2: kaunlaran, kung tumutukoy sa proyekto o negosyo
lu•sóng : kasangkapang gawâ sa kaputol na katawan ng kahoy na may uka sa gitna at pinagbabayuhan ng palay
lú•song 1: pagbabâ mula sa isang mataas na pook 2: pagbibili ng mga bagay sa mababàng halaga 3: pagtatrabaho ng alipin sa araw na mamasukan siya sa kaniyang amo 4: a trabahong arawan 5 b sapilitang pagpapasumpa sa isang tao, o sapilitang pagkuha ng isang bagay
lu•sót 1: pagdaan sa makipot na bútas, siwang, puwang, o anumang maaaring daanan 2: paglampas ng nahuhulí sa nauuna 3: pagtatagumpay sa isang suliranin, pakikipagtunggali, o pagsubok 4: palihim na pag-aabot ng anumang bagay sa sinuman
lus•táy 1: inubos ang kayamanan o salapi sa hindi karapat-dapat na paraan 2: inubos ang salapi ng isang kompanya o ng ibang tao