lág•sing : ibon (Alauda gulgula wolfei) na may nakatagong pumpon na buntot, may kakaibang gawi ng pag-ilanglang, at karaniwang kumakain ng butil
lag•táng 1: baging (Anamirta cocculus) na masanga, dilaw, mabango ang bulaklak, lason sa isda ang katas, at ginagawâng lubid 2: gábeng uwák.
la•gu•lò 1: magaspang na pakô (Acrostichum aureum) na karaniwang tumataas nang 2 m at lumalago sa gilid ng sapà, bakawan, o anumang tubigan 2: lapule