lag•mák 1: pagkakalát, pag-hahagis, o pagtatápon sa lupa 2: nakadapa at walang lakas bumangon nang mag-isa
lag•nâ : palumpong (Poikilo-spermum suaveolens) na gumagapang, biluhabâ ang dahon, mabango ang bulaklak, at itinuturing na halámang gamot
lag•nát : sakít na may mataas na temparatura, bilis ng pulso, at iba pa na karaniwang sanhi ng impeksiyon
la•gô 1: paglaki nang masagana at mabilis 2: palumpong na tuwid, masanga, makinis, at tumataas nang 90 sm.
lá•gom 1: pagsasapi ng isang bagay sa isa pa, o pagsapi ng lalaki sa dalawang magkapatid na babae o magpinsan 2: paglikom ng mga bagay na nakakalat 3: pagsaklaw o pagkamkam sa isang negosyo at pagsisikap patayin ang kakompetensiya 4: isang maikling pangungusap o paliwanag sa mga pangunahing detalye o pangyayari sa isang mahabàng kuwento, usapin, pulong, at katu-lad 5: donasyon