la•í•ya 1: palumpong (Harrisonia perforata) na tumataas nang 2-4 m, matinik ang sanga, mabalahibo ang dahon, at gamot sa pagtatae ang balát ng ugat 2: pinakuluang karne na nilahukan ng luya.
lá•kad 1: kilos o paraan ng paghakbang o pagyapak 2: pagsulong o pag-unlad ng negosyo 3: pagkilos pasulóng ng kasangkapang de-motor o mekanikal 4: mahabàng , paglakad, gaya sa nag-eehersisyo o namamasyal 5: pagsasaayos ng papeles o problema 6: pakiusap para maisaayos ang problema 7: salitang-ugat ng kálakarán