lak•dá•ngang bi•bít : baging (Oxymitra bakeri) na may bulaklak na mabalahibo, at ginagamit na gamot ang ugat.
lá•ker 1: pabalat na nakapagpoprotekta, may resin o ester ng cellulose na tinunaw sa solvent at minsa’y may dagdag na pigment 2: alinman sa iba’t ibang barnis na may resin
lak•há 1: kulisap na tulad ng malaking langgam at ang mga itlog ay ginamit ng mga sinaunang Bisaya para magkulay pulá ang ngipin 2: pinawà.
la•kí 1: kabuuan ng taas, habà, lapad, o kapal 2: kahigtan sa sukat ng isa sa isa 3: kalagayan ng tubig sa ilog, o dagat kapag mataas 4: búlto 5: amá ng lolo at lola 6: crustacean (order Decapoda) na malaki.
lá•kip 1: pagsasáma, pagkakabit, o pagpapa-loob ng isang bagay sa isa pang bagay 2: anumang bagay na ipinaloob, isináma, o ikinabit