la•ka•rán 1: daánan4 2: pangkat ng mga tao na maglalakbay 3: paghimok sa isang tao upang makamit ang bagay na mahirap makuha.
la•kás 1: kakayahan ng katawan upang makagawâ ng anuman 2: tindi ng bisà, gaya ng lakas ng suntok at lakas ng hangin 3: impluwensiyá1 4: tindi ng ingay o tunog 5: mataas na lagnat 6: sa sakít, ang tindi ng atake 7: paggalíng mula sa sakít.
la•kás-tá•o 1: puwersa o lakas na nagmumulâ sa paggawâ 2: bílang o dami ng tao na handa sa gawain, serbisyo, at iba pa
la•ká•ya 1: pangingisda 2: uri ng lambat na yarì sa sinamay o tela at karaniwang ipinanghuhúli ng maliliit na isda.