la•mók 1: kulisap (Culex pipiens) na may pandurong pansipsip sa dugo ng tao o hayop 2: maliliit na piraso ng ginto o pilak, barya.
lá•mon-ba•bá•e : uri ng pakô (Lycopodium cernuum) na masanga at gumagapang ang ugat, tuwid ang maliit na sanga, at maliit ang kumpol na dahong tíla karayom.
la•mór 1: dagta ng gabe 2: lamukot na nakadikit sa butó ng santol 3: tawag din noon sa pagta-talik na seksuwal.