la•míg 1: temperaturang higit na mababâ sa katamtaman o sa pamantayang init na nadaramá ng tao 2: kawalang-sigla ng damdamin at kalooban
lamination (la•mi•néy•syon) 1: proseso ng pag-laminate 2: katangian o kalagayan ng dumaan sa pag-laminate.
lá•mir 1: hímod o paghimod 2: pagdila sa plato matapos maubos ang pagkain 3: pagdila sa labì matapos kumain ng pagkaing masarap 4: paglunok nang pala-món.
la•mí•yo : malaking punong-kahoy (Dracontomelon edule) na 40 m ang taas, may maliit na putîng mga bulaklak, may bunga na bilugan, makatas at maasim, at katutubo sa Filipinas at ibang pook sa Asia