lam•bî 1: nakalawit na balát sa pinakababà ng manok 2: pinakasungot na pandama sa ngusô ng ilang uri ng isda 3: pangalawang babà ng tao na mataba 4: balát na nakabalot sa supót na uten.
lam•bíng 1: suyo o alo na ipinahahayag sa pamamagitan ng mahinhing kilos o salita 2: malumanay at maindayog na himig ng tugtugin o ng awit 3: mahabàng tainga.
lam•bít 1: pakiusap para sa isang bagay ng babae sa kaniyang asawa 2: pagsasabit ng isang bagay na isinasabit.
lam•bi•tâ 1: paraan ng pagtatrabaho na nagpapalipas lámang ng oras hábang hinihintay ang uwian 2: kambing na lalaki na nása panahon ng pangangasawa.
lam•bí•tin : kumapit nang mahigpit sa mataas na bagay hábang nakabitin ang katawan gaya ng ginagawâ ng unggoy