lap 1: kandúngan 2: bahagi ng damit sa gawing kandu-ngan 3: distansiyang kailangang takbuhin o languyin
la•pág 1: pang-ibabâ o pang-ilálim na bahagi, gaya ng sahig ng bahay o ang lupa sa ilalim ng bahay 2: pagbababâ ng anumang dalá 3: landing.
la•pák 1: bakli o tanggal-tanggal, gaya ng lapák na mga sanga ng punongkahoy 2: gáwak1 3: may mga guhit 4: tamád
laparoscopy (la•pa•rós•ko•pí) : instrumentong fiber optic na ipinapasok sa dingding ng abdo-men upang makíta ang mga organ sa loob nitó
la•pás 1: dalagambukid 2: pagdiriwang tatlong araw bago sumapit ang Miyerkoles de Senisa 3: pagsasaayos ng mga bayarin o sigalot 4: panahon pagkatapos ng isang okasyon o pagdiriwang