la•pát : pagtitilad nang manipis, o ang bagay na gaya ng kawayan o yantok, na tinilad nang manipis, upang gawing pansalá, pantalì, panghugpong, at iba pa
lá•pat 1: maayos ang pagkakasará o pagkakadikit 2: katapat o ka-timbang sa uri at kakayahan 3: walang puwang; dikit na dikit 4: ang-kóp1,2 5: nipís 6: malî.
la•pá•tin 1: kawayan o yantok na maaaring gawing pantalì o pan-salá 2: ibon na kahawig ng maya, pipit, o luklak at mahilig ma-nginain ng bunga at bulaklak
la•páy : sa abdomen, ang organong may kinaláman sa produksiyon at pagtatanggal ng puláng selula sa dugô
lá•pay 1: bahay na hindi gaanong malaki 2: uri ng tagák (Nycticorax nycticorax) na mas maigsi ang leeg at may ugali na tulad ng bakáw-gabí
la paz bát•soy : pansit na may sabaw at nilagyan ng lamanloob ng baboy, dinurog na sitsaron, mga piraso ng gulay, at dinadagdagan ng hilaw na itlog
lap•dú•san : mga piraso ng kahoy na ginagamit na hampasan upang maihiwalay ang butil sa uhay ng palay