la•pì•an : samaháng pampolitika ng mga manghahalal o pangkat ng mga tao na nagkakaisa ng layunin o kuro-kuro
lá•pi•dá : pamukha sa puntod, karaniwang kinasusulatan ng pangalan, kapanganakan, at kamatayan ng nakalibing
la•pi•dár•yo 1: artesano, mangangalakal, o taga-tipon ng mga tabás na mahahala-gang bató o hiyas 2: sining ng pagtabas ng mahahalagang bato o hiyas
la•pí•ra : uri ng kuwágo (Tyto capensis) na abuhing kayumanggi ang pakpak at putî ang dibdib at mukha
lá•pis 1: kasangka-pang pangmarka, pangguhit, o pansulat, binubuo ng isang paha-bâng piraso ng grapito, tisa, o katu-lad na nakapaloob sa isang lalag-yang gawâ sa kahoy, metal o plas-tik 2: dorádo1 3: batóng sapád na karaniwang hugis parisu-kat o parihaba 4: sapín1