lá•tay 1: namumulá o nangingitim na bakás ng palò o hampas ng latigo sa balát 2: básag ng isang sisidlan, na iba sa lamat sapagkat hindi ito tuloy-tuloy 3: isang uri ng silo na ginagamit sa panghuhúli ng ibon
la•té•ro 1: pandáy-yéro 2: sa paggawâ ng sasakyan, tao na bihasang magsaayos, maghubog, o maghinang ng yero o metal
latex (léy•teks) 1: likidong , malagatas mula sa pinaghalòng sangkap ng iba’t ibang haláman at punongkahoy, lalo na ng punòng goma, at may komersiyal na gamit 2: sintetikong produkto na tulad nitó
lat•ha•là 1: anumang akda na inilimbag o inimprenta, gaya ng lathala sa peryodiko, aklat, at iba pang katulad 2: pahayag o paunawa hinggil sa isang bagay o pangyayari 3: tikin sa pamamangka 4: paglalagay ng kahoy o anumang magsisilbing táwíran
lat•há•la 1: anumang bagay na nakaharang sa daan, katulad ng higaan na nása gitna ng bahay 2: anumang paliwanag at ikinalat na pahayag
lat•ha•la•án 1: pook na pinaglilimbagan ng mga aklat, diyaryo, o magasin 2: ang ini-limbag na aklat, diyaryo, o magasin
lather (lá•der) 1: bulâng nalilikha dahil sa pagkalikaw o paggalaw ng tubig at sabon 2: kalagayang magulo