launch (lonts) 1: lantsa 2: malaking barko na ginagamit sa paghahatid ng suplay at hukbo sa panahon ng digmaan
launch (lonts) 1: ibunsod hal hal ang bapor o kandidatura sa halalan 2: ipadalá o ibunsod hal hal ang armas o rocket 3: patakbuhin o simulan ang isang gawain, tao, at iba pa 4: ipakilála nang pormal ang isang produkto, gawain, at iba pa
launder (lón•der) 1: labhan o plantsahin ang damit, kumot, at iba pa 2: ilipat ang pondo upang ilihim ang ilegal na pinagmulan
laundry (lón•dri) 1: silid o gusali na pinaglalabahan ng damit, kumot, at iba pa 2: labada 3: paglalaba ng mga ito
Laura (láw•ra, lá•u•rá) : tauhan sa Florante at Laura, anak ni Haring Linceo at kasintahan ni Florante.
laureate (lór•yet) 1: pinutungan ng koronang lawrel bílang tanda ng karangalan o kadakilaan 2: tulad ng lawrel
lá•va 1: kumukulo at tunaw na bagay na dumadaloy mula sa bulkan 2: solidong substance na nabubuo nitó paglamig.
la•vá•bo 1: ritwal ng paghuhugas ng kamay ng pari kung may misa 2: tuwalya o palangganang ginagamit sa naturang ritwal.