la•tó, la•tô
png | Bot | [ Seb Tag ]:damong dagat (Caulerpa racemosa) na maliit, lungtian, at kahawig ng ubasla•tód
pnr:lasa, latoy, o linamnam, ginagamit na kasáma ang salitâng walang, hal “Walang latod ang inihaing pagkain.”-
lá•tok
png1:[Bik Hil Ilk Pan ST Tsi] mababàng hapag kainan na yarì sa kahoy2:[Ilk] kahoy na palanggana3:baging (Telosma procumbens) na nakakain ang bunga ngunit nakalalason ang mga dahon-
la•tóng•la•tóng
png | [ ST ]:pagtudla sa pamamagitan lámang ng isang bála ang dalawang magkasunod.-
la•tór
png | [ ST ]:dumi na nakakapit sa isang bagay dahil hindi ito nahuhugasanlá•tor
png | [ ST ]:sarap ng lása.-
la•tóy
png1:[ST] sigla, sarap, o anumang pang-akit ng isang pangungusap, bagay, ugali, at iba pa, karaniwang nása anyong negatibo, gaya sa walang latoy na palabas2:[Hil] sítaw.latria (la•trá•ya)
png | [ Ing ]:sa mga Kristiyano, sukdulang pagsamba na para lámang sa Diyos-
latrine (la•trín)
png | [ Ing ]1:sisidlan o hukay na ginagamit sa kubeta2:kubetang pampubliko, lalo na sa kampoLa Tri•ni•dád
png | Heg | [ Esp ]:kabesera ng Benguet.latter (lá•ter)
pnr | [ Ing ]1:kabílang sa susunod na panahon o yugto2:pangalawa sa dalawa at panghulí sa isang serye.lattice (la•tís)
png | [ Ing ]1:estrukturang yarì sa magkakakrus na bára o kahoy at ginagamit na iskrin, bakod, at iba pa2:regular at peryodikong pagkakaayos ng mga atom, ion, o molecule sa isang solidong kristalina.-
laud (lod)
png | [ Ing ]1:imno ng pagpupuri2:unang pagsamba o seremonya.la•úd
png1:instrumentong de-kuwerdas, mahabà ang leeg na may traste, at hungkag ang katawang hugis peras2:[Ilk] kanlúran1-2