• la•wà

    png | Heo | [ Bik Kap Tag ]
    :
    malawak na tubigán na nakukulong ng lupa, karaniwang tabáng

  • lá•wa

    png
    1:
    [ST] sápot2
    2:
    [Ilk] luwág.

  • la•wá•an

    png
    1:
    [Bik Hil Mnb Seb Tag War] matigas at malaking punongkahoy (Parashorea malaanonan), 60 m ang taas, 2 m ang diyametro, may bulaklak na mapusyaw na dilaw ang kulay, ginagamit ang kahoy sa paggawâ ng kabinet, muwebles, panloob na dingding ng bahay, sasakyang-dagat, at playwud
    2:

  • law abiding (lo a•báy•ding)

    pnr | [ Ing ]
    :
    masunurin sa batas.

  • lá•wad

    png
    :
    súkat o habà ng lubid.

  • la•wág

    png
    1:
    pook na nahawan ang mga kahoy at dawag upang pagtaniman
    2:
    [Ilk Tag] liwanag1
    3:
    [Man] yugto sa pagkakaingin na nililinis ang sakop upang itakda ang lawak nitó

  • lá•wag

    png
    :
    pag-aalis ng damo, punongkahoy, at dawag upang luminis ang isang pook at magamit na taníman

  • la•wák

    png | [ Seb ]

  • lá•wak

    png
    1:
    pook o espasyong maluwag at malaki ang sakop
    2:
    larang ng pananaliksik, gawain, o iba pang bagay

  • la•wá•la•wá

    png | Bot
    :
    damo (Paspalum conjugatum) na malápad ang tangkay, lungti ang bulaklak, at manipis ang dahon

  • la•wâ-la•wâ

    png | Zoo | [ Seb War ]

  • lá•wa-lá•wa

    png | [ ST ]
    1:
    gagamba o ang sapot nitó
    2:
    isang uri ng awit
    3:
    mahinàng ulan, ngu-nit mas malakas kaysa patak ng hamog

  • lá•wan

    png
    1:
    punongkahoy (family Dipterocarpus) na matigas at ginagamit sa paggawâ ng muwebles at bahay
    2:
    [ST] parusa sa tao dahil sa paggawâ ng kasalanan sa kalaswaan

  • lá•wang

    png
    2:
    [ST] paglalayag sa makitid na ilog
    3:
    [Tau] pintô
    4:

  • La•wà ng Ba•í

    png | Heg
    :
    malaking lawà sa Laguna, tinawag ding Laguna de Bay (Baí) noong panahon ng Espanyol at napagkamalang Laguna Bay noong panahon ng Amerikano

  • lá•war

    pnr | [ ST ]
    :
    mahabà katulad ng tali.

  • la•wás

    png | Bot | [ Ilk ]
    :
    pagitan ng dalawang búko ng haláman

  • lá•was

    pnr

  • lá•was

    png
    1:
    [ST] ngipin ng salapáng
    2:
    [Bik Hil Mrw Seb War] katawan1,2
    3:
    [Seb] uri ng lotus (Nymphaea nouchali)
    4:
    isang malaki at natatanging koleksiyon, hal lawas ng tubig, lawas pangkalawakan

  • la•wa•sá•ig

    png | [ Mag ]