la•yà 1: layak, yagit, at katulad na basura 2: ang kalagayan ng pagiging walang hadlang o balakid 3: pagkawala sa estado ng pagiging alipin 4: katutubòng kapangyarihan ng bawat nilikha upang itakda at gawin ang nais
lá•ya 1: pag-uunat ng braso nang dahan-dahan na parang may humihígit dito 2: kalaykay na may dalawang matutulis na ngipin, mula sa Basque 3: uri ng lambat na pangisda
lá•yag : malapad na telang may patigas na kahoy o kawayan sa mga gilid at ikina-kabit sa sasakyang-dagat upang umusad ito sa pamamagitan ng hangin
lá•yak 1: bagay na sukát na sukát sa iyo na parang kasáma mo itong isinilang 2: pagpapakíta ng pagmamahal