lá•yas 1: umalis nang kusa 2: umalis dahil sa samâ-ng-loob o mahigpit na pangangailangan 3: sapilitan o sadyang paalisin o patakasin dahil sa nagawâng kasalanan
la•yáw 1: lumaki sa layaw 2: walang disiplina 3: labis na mapaghanap ng layà at pribelehiyo 4: lagalág
lá•yaw 1: paghahandog ng sarili, tumutukoy rin ito sa pagtulong para sa pangangailangan ng isang tao 2: kalayàan mula sa kontrol ng magulang 3: labis na pagbibigay o pagluluwag 4: baging (Cardiospermum Halicacabum) na umaakyat at namumunga ng hugis batóng bukò
layer (lé•yer) 1: susón1. 2: tao na tagapaglatag 3: kapal o balát ng isang bagay 4: manok na pinangingitlog sa pamamaraang artipisyal