lazy susan (léy•si sú•san) 1: bilóg na patungan ng mga pagkain na maaaring paikutin at inilalagay sa gitna ng mesang bilóg 2: tawag sa mesang mayroon nitó
lead (lid) 1: gabay na ibinibigay sa pamamagitan ng halimbawa 2: pangunguna; ang lamáng ng isang nakikipaglaban 3: indikasyon o pahiwatig ng maa-gang pagkalutas ng kaso 4: pangunahing tauhan sa isang pagtatanghal 5: balitang binibigyan ng pangunahing halaga o importansiya sa peryodiko at iba pang babasahín