len•te•hu•wé•las : maliit at manipis, karaniwang bilog na piraso na kumikináng na bagay at ginagamit na pampalamuti sa mga kasuotan.
lenticel (lenticel) : alin-man sa mga bútas na napakaliit na nása tangkay ng halámang matigas, tulad ng kahoy, at nagpapahintulot ng palítan ng gas sa atmospera at sa mga panloob na tissue
lén•til 1: haláman (Lens culinaris) na nagbubunga ng mga nakakain at maumbok na butó 2: ang butó ng halámang ito
Leo (lé•yo, lí•yo) 1: ma-laking konstelasyon na hugis leon, sinasabing kumakatawan sa leon na pinaslang ni Hercules 2: a l ikalimang simbolo ng zodyak na pinapasok ng araw mula 21 Hulyo hanggang 22 Agosto b tao na ipinanganak sa panahong ito
leontiassis (le•yón•ta•yá•sis) : sakít na may katangiang tulad ng ketong, nangangapal ang tissue o butó sa mukha na nagiging dahi-lan ng pagkakahawig sa leon.
leotard (li•yó•tard) : damit na hapít, karaniwang bumabálot sa katawan at mga kamay, isinusuot ng mananayaw ng ballet, sirkero, at iba pa