• le•his•las•yón

    png | Bat | [ Esp legisla-ción ]
    1:
    paggawâ ng batas; pagbu-buo ng batas
    2:
    batas o mga batas na nagawâ

  • le•hís•la•tú•ra

    png | Pol | [ Esp legislatu-ra ]

  • le•hí•ti•mó

    pnr | [ Esp legitimo ]
    1:
    alin-sunod o ayon sa batas
    2:
    mula sa mga magulang na ikina-sal nang legal

  • le•hi•yá

    png | Kem | [ Esp lejiá ]
    :
    mata-pang na solusyong alkalino at gina-gamit sa paghuhugas at paglilinis

  • le•hi•yón

    png | [ Esp legion ]
    1:
    sa sinaunang Roma, hukbo ng 3,000-6,000 sundalo, kasáma ang tauhan ng kabalyeriya
    2:
    malaking lupon na organisado
    3:
    dami na hindi mabílang, gaya ng lehiyon ng tagahanga

  • le•hi•yo•nár•yo

    png | [ Esp legionario ]
    :
    kasapi sa isang lehiyon

  • lehr (leyr)

    png | [ Ing ]
    :
    hurnuhan na ginagamit sa pagpapaiinit ng salamin o kristal.

  • lei (ley)

    png | [ Hwi ]
    :
    kuwintas ng mga bulaklak sa Polinesya.

  • lé•ig ke•má•gi

    png | [ Tbo ]
    :
    kuwintas na minana at gawâ sa antigong aba-loryo at gintong ikid.

  • leisure (lí•zhur)

    png | [ Ing ]
    1:
    oras na walang ginagawâ; panahong maa-aring gugulin sa anumang nais gawin
    2:
    liwalíw o pagliliwaliw.

  • leitmotif (layt•mó•tif)

    png | Lit Mus | [ Ing ]
    :
    tema o paksang idinidiin sa isang komposisyong musikal, lite-ratura, at iba pa na iniuugnay sa tao, idea, o kalagayan

  • lek

    png
    1:
    [Mag] kalaykay1
    2:
    [Ing] batayang yunit ng pananalapi sa Albania.

  • lé•kat

    png | [ Mrw ]
    :
    buklát1 o pagbuklat

  • Lé•kat!

    pdd
    :
    kataga o ekspresyong nababanggit kapag hindi nasiyahan sa isang bagay

  • lék•sab

    png | [ Pan ]

  • lek•si•kál

    pnr | [ Esp lexicál ]
    :
    tumutu-koy sa leksikon o leksikograpiya.

  • lek•si•kog•ra•pí•ya

    png | Lgw | [ Esp lexicografía ]
    :
    paggawâ o pagsulat ng diksiyonaryo; pagtitipon ng mga salita para dito

  • lek•si•kóg•ra•pó

    png | Lgw | [ Esp lexicografo ]
    :
    manunulat ng diksiyonaryo o tagatipon ng mga salita para dito

  • lék•si•kón

    png | Lgw | [ Esp lexicon ]
    1:
    aklat na naglalamán ng salitang inayos karaniwang paalpabeto ng isang wika at binigyan ng mga kahulugan
    2:
    katawagang ginagamit sa iba’t ibang larangan gaya sa medisina, siyensiya, at iba pa
    3:
    mga salitâng ipina-loob sa diksiyonaryo

  • lek·si·yón

    png | [ Esp leccion ]
    1: