Mecca (mé•ka) 1: lungsod sa kanlurang Saudi Arabia at itinuturing na pinakabanal na pook ng mga Muslim 2: pook na nakaaakit sa mga tao 3: sentro o pook ng kapanganakan ng isang paniniwala, patakaran, layunin, at iba pa
mechanize (mé•ka•náyz) 1: magbigay ng tauhang mekanikal 2: magpakilála ng mga mákiná 3: lagyan ng mga tangke at iba pang sasakyang pandigma
me•dál•ya : lapád na piraso ng metal na napalalamu-tian, karaniwang ibinibigay bílang pag-alaala at parangal
media (míd•ya) 1: panguna-hing mga sangay ng komunikasyong pangmadla 2: panggitnang susón ng bakod ng artery at iba pa 3: an-yong pangmaramihan ng medium
median (mí•dyan) 1: panggitnang artery, ugat, litid, at iba pa 2: linya na mula sa vertex ng isang tatsulok tungo sa gitna ng kabaligtad na gilid 3: ang pang-gitnang value ng isang serye ng mga value na nakahanay ayon sa lakí