méd•yor 1: a opisyal ng hukbo na higit na mababà sa tenyente koronel subalit higit na mataas sa kapitan b opisyal na naka-talaga sa seksiyon ng mga instru-mentong pangmusika 2: larang ng pag-aaral na pinili ng isang mag-aaral 3: pinakamataas na eskala, nota, at katulad
méd•yor 1: pánguná-hin 2: may natatanging seryo1 o mapanganib 3: a sa eskala, may patlang ng isang semitone sa pagitan ng ikatlo at ikaapat sa pagitan ng ikapito at ikawalong antas b sa interval, higit na mataas nang isang semitone sa interval na minor 4: nakahihigit sa gulang
megaflop (mé•ga•fláp) 1: yunit ng pagbibiláng ng bilis na katumbas ng isang milyong floating-point na operasyon kada segundo 2: malakíng pagkakamali
mé•ga•hértz (mé•ga•herts) : isang milyong hertz, lalo na bílang súkat ng dalasan sa transmisyon ng radyo (symbol MHz)
me•ga•lo•mán•ya 1: obsesyon sa paggawâ ng grande at maluhong bagay 2: sintomas ng sakít sa utak na nakikilála sa pamamagitan ng mga malîng akala sa kadakilaan ng sarili
me•ga•ló•po•lís 1: dakilang lungsod o ang uri ng pamumuhay dito 2: urbanisa-dong pook na binubuo ng lungsod at kaligiran nitó
megapode (mé•ga•pówd) : ibon (family Megapodidae) na nagbubuo ng malakíng pugad para sa mga itlog nitó