Me•di•te•rá•ne•ó 1: Dagat Mediteraneo 2: kolektibong mga pulo at mga bansa ng Dagat Mediteraneo 3: tao na katutubò sa pook na ito
medium (míd•yum) 1: isa sa mga paraan o sangay ng komu-nikasyon, impormasyon, edukas-yon, at libangan 2: tagapamagitan o kasangkapan upang maipahatid ang mensahe at katulad 3: tao na ginagamit upang makausap ng patay ang buhay 4: a likidong pinaghahaluan ng mga kulay; isang paraan ng paggu-hit b materyales o pamamaraan ng isang artist upang maipahayag ang kaniyang isip at damdamin
méd•ri•nyá•ke : isang telang habi sa abaka, bule, o iba pang halaman at ginagamit sa Europa bilang aporo sa mga damit ng babae
medula oblongata (medula oblongata) : hugpu-ngan ng gulugod at bungo, na bu-mubuo ng pinakamababàng bahagi ng utak patungo sa gulugod
med•ya•lú•na 1: kalahatìan ng buwan1 2: hiyas na kahugis ng bagong buwan o ang awra sa ulo ng santo 3: tawag sa simbolong pambandila ng mga Muslim