• meniscus (me•nís•kus)
    png | [ Gri Ing meniskos ]
    1:
    ang kurbada ng itaas na rabaw ng likido sa túbo, karaniwang malukong paitaas ang mga dingding kapag basâ at maumbok kung tuyô, dahil sa epekto ng tensiyon sa rabaw
    2:
    lente na malukong sa isang gilid, at maumbok sa kabilâng gilid
    3:
    manipis at mahimaymay na cartilage sa pagitan ng mga rabaw ng mga hugpungang gaya ng tuhod
    4:
    pigurang hugis bagong buwan
  • mé•no-
    pnl | [ Gri menos ]
    :
    hinggil sa o may kaugnayan sa menstruation o pagreregla, hal menopause, meno-rrhagia, menorrhea
  • menopause (mé•no•póws)
    png | Med | [ Ing ]
  • mé•no•pós
    png | Med | [ Ing menopause ]
    1:
    ang yugto ng permanenteng paghinto ng regla ng isang babae na karaniwang nagaganap sa gulang na 45-55 taon
    2:
    ang yugto ng pagdatíng nitó sa búhay ng isang babae
  • me•nór
    pnr
    1:
    higit na maliit o maba-bà ang sukat o halaga kapag iki-nompara sa iba, hal basilica menor
    2:
    wala pa sa legal na gulang
    3:
    sa eskala, nagkakaroon ng paghinto ng semitone sa pagitan ng ikalawa at ikatatlo, ikalima at ikaa-nim, ikapitó at ikawalong antas
    4:
    mabagal na takbo ng sasakyan o mahinàng andar ng motor
  • me•nó•ra
    png | Heb
    :
    sagradong kan-delabra na may pitóng sanga na ginamit sa Templo ng Jerusalem, gawâ ni Bezalel at inilagay sa santuwaryo ng Tabernakulo
  • me•nór de-edád
    png | [ Esp ]
    :
    kalaga-yang wala pa sa wastong gulang ang isang tao upang makapagsarili
  • menorrhagia (me•no•ré•dya)
    png | Med | [ Ing ]
    :
    hindi normal na pagdurugo kung may regla
  • menorrhea (me•no•rí•ya)
    png | Med | [ Ing ]
    :
    ordinaryong agos ng dugo kung may regla
  • mé•nos
    pnr | [ Esp ]
    2:
    nagsi-sikap na magtipid
  • mens
    png | Bio | [ Ing ]
    :
    pinaikling mens-truation
  • men•sá•he
    png | [ Esp mensaje ]
    2:
    a nakaeengganyo o makahulugang komunikasyon mula sa isang propeta, manunulat, pi-nunò, at katulad b ang sentro ng kahulugan ng isang malikhaing akda
  • men•sa•hé•ro
    png | [ Esp mensajero ]
    :
    tao na tagapagdalá ng mensahe
  • menses (mén•ses)
    png | Bio | [ Lat ]
    1:
    dugo at iba pang sangkap na luma-labas mula sa sinapupunan kapag may regla
    2:
    ang panahon ng pag-reregla
  • Menshevík (men•syé•vik)
    png | Pol | [ Rus ]
    :
    kasapi ng minoridad na pa-nig ng Partido Sosyalista ng Russia na hindi kasang-ayon sa mga tuntunin ng Bolshevik
  • mens re (ménz rey)
    png | [ Lat ]
    :
    masa-mâng intensiyon o layunin
  • menstruation (men•tru•wéy•syon)
    png | Bio | [ Ing ]
    :
    ang proseso ng paglalabas ng dugo at iba pa mula sa daanan ng bahay batà sa mga babaeng hindi buntis, may patlang na isang buwan bago maganap mu-li hanggang sumapit ang menopos
  • mén•su•lá
    png | Ark | [ Esp ]
  • men•su•wál
    pnr | [ Esp mensual ]
  • -ment
    pnl | [ Ing ]
    1:
    pambuo ng pang-ngalan na nagsasaad ng nais ipaka-hulugan o resulta ng aksiyon ng pan-diwa, hal abridgement, embankment
    2:
    pambuo ng pangngalan mula sa pang-uri, hal oddment