mercury (mér•kyu•rí) 1: asóge (atomic number 80, symbol Hg) 2: haláman (genus Mer-curialis) na may lungting bulaklak
Mercury (mér•kyu•rí) 1: sa sinaunang Romano, diyos ng kahusayan sa pananalita, karunu-ngan, kalakalan, at sugo ng mga diyos 2: isa sa mga planeta sa sistemang solar
me•réng•ge 1: kendi na gawâ sa asukal, putî ng itlog, at iba pa 2: keyk na gawâ mula dito, karaniwang nilalagyan ng krema sa ibabaw
merger (mér•jer) 1: ang pagsasáma ng dalawang komersiyal na establisimyento 2: pagsasáma ng isang menor na kasalanan sa higit na mabigat na kasalanan
meridian (me•ríd•yen) 1: bílog na tumutúngo sa mga celes-tial pole at zenith ng isang pook sa rabaw ng mundo 2: a bílog ng isang palagiang longitude, patungo sa isang tiyak na pook at mga terrestrial pole b ang magkatugmang linya sa mapa 3: ang punto na naaabot ng araw o bituin at pinakamataas na altitude
meritocracy (me•rí•to•kra•sí) 1: pamahalaan ng mga tao na pinilì sang-ayon sa merit 2: pangkat ng mga tao na pinilì sa ganitong pamamaraan 3: lipunan na pina-mumunuan sa ganitong paraan