meltdown (mélt•dawn) 1: ang pagkatunaw o pagkasirà ng isang estruktura, lalo na ang labis na nai-nitang ubod ng isang reaktor nuklear 2: anumang mapaniràng bagay o pangyayari
mém•ber 1: kasapì1 2: tao na nahalal upang makibahagi sa pamamahala ng organisasyon 3: bahagi o sangay ng isang lawas pampolitika 4: bahagi ng pangu-ngusap, tumbasan, pangkat ng mga pigura, set na pangmatematika, at iba pa
memoir (mém•war) 1: makasaysayang talâ o talambuhay na sinulat mula sa kaalamáng personal 2: nakasulat na talâ bílang alaala ng tao, pook, o pangyayari 3: a sanaysay hinggil sa pinag-aaralan ng isang manu-nulat b mga panuntunan ng isang lipunang pinag-aralan
me•mo•rán•dum 1: maikli at nakasulat na paalala hinggil sa isang gawain, tungkulin, o utos 2: rekord o nakasulat na pahayag hing-gil sa isang bagay 3: kasulatan na karaniwang naglalamán ng mga kondisyon ng isang kasunduan 4: sa diplomasya, lagom ng kalagayan ng isang usapin at mga saligan ng mga napagkasunduang pasiya