me•ta- 1: nagsasaad ng pag-babago ng posisyon o kondisyon, hal metabolism 2: a nagsasaad ng higit na mataas na posisyon, hal meta-physics, metacarpus b hinggil sa higit na mataas at pangalawang uri, hal metalanguage 3: a may kaugna-yan sa dalawang carbon atom na pinaghiwalay ng isa pa b ukol sa isang compound na dulot ng pagka-tuyô, hal, metaphosphate
metacarpus (mé•ta•kár•pus) 1: ang set ng limang butó ng kamay na hugpungan ng galáng at mga daliri 2: ang bahaging ito ng kamay
metagenesis (mé•ta•dyi•né•sis) : ang palitan ng mga hene-rasyon sa seksuwal at aseksuwal na reproduksiyon
me•tál, mé•tal : alinman sa mga batayang substance tulad ng ginto, pilak, at tanso, krista-lina kung solido, at may katangiang makunat, dinadaluyan ng elektrisi-dad, at makináng kapag bagong tapyas
metalanguage (mé•ta•láng•gweyds) 1: anyo ng wika na ginagamit sa pagtalakay ng isang wika 2: sistema ng panukala ukol sa mga panukala
me•ta•lúr•hi•ya 1: teknik o agham ng pagsalà sa metál upang hubugin 2: teknik o agham sa pagbubukod o pagdalisay ng metál mula sa mga bató
metamere (mé•ta•mír) : alinman sa mga magkakatulad na bahagi ng lawas na may magka-tulad na panloob na mga estruktura, kagaya ng bulate
metameric (mé•ta•mé•rik) : may proporsiyonal na kom-posisyon at timbang na molekular, ngunit naiiba sa mga pangkat na may katangiang kemikal
metamorphic (mé•ta•mór•fik) 1: ukol sa o may marka ng me-tamorposis 2: ukol sa bató na dumaan sa likás na pagbabagong-anyo sa pamamagitan ng init at presyur