meteoroid (mét•yo•róyd) : maliit na lawas na guma-galaw sa kalawakan at maaaring maging bulalakaw kapag pumasok sa atmospera ng mundo
me•te•o•ro•lo•hí•ya 1: pag-aaral sa mga proseso at penomena ng atmospe-ra 2: ang katangiang atmosperiko ng isang rehiyon
-meter (mí•ter) 1: pambuo ng pangngalan na nagsasaad ng mga kasangkapang pansúkat, hal barometer 2: sa prosodiya, pam-buo ng pangngalan na isinasaad sa mga linya ng tulang may tiyak na bílang ng súkat, hal pentameter
methane (me•téyn) : walang kulay, walang amoy, at mada-lîng magliyab na gaseous hydrocar-bon (CH4), pinakasimple sa serye ng alkane, at pangunahing sangkap ng natural na gas
methanol (mé•te•nól) : alkohol (CH3OH) na walang kulay, magaan at madalîng magliyab gina-gamit bílang solvent
Methodist (mé•to•dist) : kasapi ng denominasyong Kristiya-nong Protestante na nagsimula noong ika-18 siglo at itinatag nina John at Charles Wesley sa Oxford
Methuselah (mi•tú•se•lá) : sa Bibliya, patriyarka at lolo ni Noah, pinaniniwalaang nabúhay nang 969 taon