mezzo-soprano (mét•zo sop•rá•no) 1: a tinig ng babae sa pagitan ng soprano at kontralto b mang-aawit na may ganitong tinig 2: bahaging sinulat para sa mezzo-soprano
Mga Gabíng Arabe : tanyag na kali-punan ng mga sinaunang kuwento ng kababalaghan at pakikipagsa-palaran na isinalaysay diumano ng isang babae sa loob ng maraming gabi upang aliwin ang isang ma-bagsik na sultan
Mga Hari (ma•ngá ha•rì) : sa Bibliya, alinman sa dalawang aklat na naglalamán ng kasaysayan ng mga hari ng Israel at Judah
Mga Hukom (ma•ngá hu•kóm) : sa Bibliya, aklat na naglalaman ng kasaysayan ng Israel hábang nása ilalim ito ng pamumunò ng mga hukom
Mga Kronika (ma•ngá kro•ní•ka) : sa Bib-liya, alinman sa dalawang aklat sa Lumang Tipan, at nagtatalâ ng kasaysayan ng Israel at Judah
Mga Taga-Kolosas (ma•ngá ta•gá-ko•ló•sas) : sa Bibliya, aklat na sinulat ni Pablo para sa mga taga-Kolosas
Mga Taga-Korinto (ma•ngá ta•gá-ko•rín•to) : sa Bibliya, alinman sa dalawang aklat sa Bagong Tipan, at sinulat ni Pablo para sa mga taga-Korinto