mica (mí•ka) : alinman sa pangkat ng mga mineral na sili-cate na may nakasalansang estruk-tura, tulad ng muscovite
Micah (mí•ka) 1: batàng propeta noong ika-8 dantaon BC 2: sa Bibli-ya, aklat na nagsasaad ng pagkawa-sak ng Samaria at Herusalem
mickey mouse (mí•ki maws) 1: tauhang daga sa kartun ni Walt Disney at naging pabirong tawag sa tao na kahawig nitó 2: tawag sa salapi na walang halaga gaya sa naging tawag sa salaping kumalat noong panahon ng Hapo-nes 3: mickey mouse plant
mickey mouse plant (mí•ki maws plant) : palumpong (Solanum mammosum) na 90 sm ang taas, na may bungang kulay dilaw o dalandan, 6 sm ang habà, at may tíla utong na mga bahagi
microanalysis (máyk•ro•a•ná•li•sís) : pagsusuring kantita-tibo ng mga chemical compound na gumagamit ng ilang miligramong sampol
microchip (máyk•ro•chíp) : maliit na mapa ng semicon-ducting material at ginagamit upang makalikha ng pinagsámang circuit
microfilm (máyk•ro•fílm) : isang piraso ng film na naglalamán ng pinaliit na retrato o imahen ng mga dokumento, at iba pa
microprocessor (máyk•ro•pro•sé•sor) : pinagsámang circuit na naglalamán ng lahat ng funsiyon ng pangunahing yunit sa pagpopro-seso